This is a heart-felt letter I found in my Facebook news feed. Too good not to share. Without further ado, here it is:

PARA SA AKING MGA ANAK at sa lahat ng mga Kabataan.

Walang katumbas na saya ng nararamdaman sa tuwing makikita ang crush mo. Ang dahilan kung bakit maaga ka papasok sa school at kahit masakit-sakit ang dulo ng daliri ay hindi mag-absent … at hindi makikita si crush. Nagiging inspirasyon sa bawat araw na dumaraan, parang ayaw mo ng matapos ang maghapon. Subalit bakit ba nagagalit ang mga magulang sa tuwing pag-uusapan ang bagay na ito? Sapagkat kapag napapa-seryoso at minsan ay napapa-iba ng focus ang atensyon na dapat ay laan sa pag-aaral. Naranasan ko na din yan kaya hindi pwedeng sabihin na kill-joy ako, iba ang panahon namin nung kami ang kabataan. Sa bente pesos na baon ko ay tipid-tipid ko maghapon. Nariyan maubusan ng papel at naghingalo ang ballpen … dun ko pa din kukunin sa bente pesos. Minsan or malimit hindi na ako nakakapag recess kasi pag kumain pa ako ng recess hindi na ako makaka-uwe at wala ng pamasahe. Nakatapos ako ng College sa tulong ng nagmagandang loob na kamag anak na matulungan akong makapag aral sa kurso kong napili. Apat na taon, bente pesos pa rin. Ngayon na nagkaroon na ako ng pamilya at teenager na mga anak ay ranas ko ang pag-aalaga at pagdi-disiplina sa kanila … full-time mom ika nga. Walang iba na nag-alaga ng aking mga anak kundi ako lang kaya alam ko ang nararamdaman nila sa unang tingin pa lang. Masarap magmahal kapag ikaw na ang gagastos ng iyong pang-date at hindi na hihingi pa sa magulang. Nakakalungkot mang isipin na nagagalit ang aking mga anak sa tuwing pagsasabihan sila, kontrabida na ang ina. Mahal na mahal ko kayo kaya lahat ay ginagawa para mapag-aral kayo. Magtapos ng pag-aaral. Lahat ng bagay ay may tamang oras at panahon. HINDI PRANING SI MOMMY. Inihahanda ko lamang kayo sa mas magandang buhay … sabi nga ng iba, papunta pa lang kayo … pabalik na kami. Yun nga lang …. hindi tayo nagkasalubong kasi HIGH TECH na ang dinadaanan nyo ngayon.

Were you able to relate too? 🙂

splat siggy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *